← WorkMundi · 1M+ jobs from around the world, liveSign inCreate free account

Carpenter II

Ateneo de Manila University · Quezon City, Metro Manila

📅 26/08/2026
🔔 Alert me about jobs like this
No password, no sign-up. Just the email — and you can leave the list anytime.
🔓 Apply — free →
Opens this job on WorkMundi. The account is free and takes under a minute.

See the other 2,315 jobs in Philippines →

🎁 Before you apply, rehearse this interview. Create your free WorkMundi account and get an Interview Training on HelpsYouSpeak — no cost, no card. I want my training →
Ang Carpenter II ang gumagawa ng iba't ibang carpentry work tulad ng paggawa at pagkukumpuni ng mga kahoy na bahagi ng gusali at mga kasangkapang gawa sa kahoy sa loob ng Unibersidad. Kasama rin sa trabaho ang masonry, pagpipintura, pagkukumpuni ng bubong at alulod, simpleng welding, at iba pang maintenance work kung kinakailangan. Inaasahan din siyang tumulong sa mga gawain pagkatapos ng construction at sa mga job order para sa mga event ng Unibersidad. Pangunahing Gawain I. Carpentry at Pagkukumpuni ng Gusali • Nagsusukat at nagmamarka ng mga kahoy at iba pang materyales bago gumawa. • Gumagawa at humuhubog ng iba't ibang woodworks. • Nagkakabit ng bisagra, door knob, drawer knob, at iba pang hardware. • Nagkukumpuni o nagpapalit ng sirang o bulok na bahagi ng mga mesa, upuan, kabinet, pinto, at iba pang gawa sa kahoy. • Gumagawa ng masonry, pagpipintura, pagkukumpuni ng bubong, at simpleng welding kung kailangan. • Gumagawa ng mga pader at iba pang istruktura gamit ang hollow blocks, bato, marmol, at iba pang materyales. • Naghahanda ng ibabaw bago magpintura at nagsasagawa ng pagpipintura. • Nagsasagawa ng welding para pagdugtungin ang mga metal. • Nagkakabit at nagkukumpuni ng mga salaming pinto at bintana. • Nagkukumpuni ng tumutulong bubong, nagsasagawa ng waterproofing, at nagpapalit o nag-iinstall ng bubong at alulod. • Gumagawa ng simpleng welding para sa gate, bakod, pinto, locker, bintana, drainage grating, bollards, Christmas decors, at frame ng tarpaulin. • Tumutulong sa paglipat ng mga kagamitan at materyales at sa pag-set up ng stage, backdrop, at iba pang kailangan sa mga event. • Pinananatiling malinis at maayos ang lugar ng trabaho at mga gamit. Nililinis at kinukumpuni ang mga tools kung kinakailangan. • Regular na chine-check at inaayos ang mga pinto at bintana, kabilang ang paglalagay ng grasa o lubricant sa mga bisagra. • Taun-taong nagkukumpuni ng mga mesa at upuan sa mga classroom at cafeteria kung may sira. II. Suporta sa Seksyon • Nagdadala ng mga kagamitan at fixtures gamit ang sasakyan ng Unibersidad kung kinakailangan. • Nakikipag-coordinate sa ibang grupo ng CFMO para sa carpentry, masonry, painting, at iba pang maintenance work. • Regular na nag-iinspect ng bubong, alulod, at downspout ng mga gusali, nagrereport sa supervisor, at nagbibigay ng rekomendasyon kung ano ang dapat kumpunihin. III. Iba Pang Gawain • Gumagawa ng iba pang trabahong ipapagawa ng supervisor o awtorisadong kinatawan. Minimum na Kwalipikasyon Kaalaman • Marunong makitungo nang maayos sa mga tao at magbigay ng magandang serbisyo. • May kaalaman sa construction, carpentry, at tamang paggamit ng mga materyales at tools. • Marunong sa tamang pagdadala at paglilipat ng mga kagamitan at materyales. Mga Kasanayan • Marunong gumamit at mag-ingat ng mga tools, kagamitan, at materyales. • Marunong magplano ng oras para matapos ang mga ipinapagawa sa tamang panahon. • Marunong makipag-coordinate at makipagtulungan sa ibang grupo. • Masipag at handang tumulong sa mga nangangailangan. • Marunong makisama at umunawa sa pangangailangan ng iba. • Marunong maglinis at mag-maintain ng mga tools at kagamitan. • Marunong pumili ng tamang tools para sa bawat trabaho. • Marunong mag-install ng hardware at iba pang kagamitan. • Marunong magkumpuni gamit ang tamang tools. Edukasyon at Karanasan • High School graduate. • Nakatapos ng vocational course sa Woodworking, Carpentry, o Painting. • May TESDA Certificate sa Carpentry, Welding, o iba pang kaugnay na kurso. • May hindi bababa sa 1–2 taong karanasan sa building o horizontal construction. • May hindi bababa sa 1–2 taong karanasan sa masonry, finishing, at painting works.
Read the rest of the job →

Similar jobs

Job on WorkMundi — the world's largest job board. See more jobs from every continent, updated live.

📢
🎁

Before you apply, rehearse this interview.

Create your free WorkMundi account and get an Interview Training on HelpsYouSpeak — no cost, no card.

I want my training →